10172015 16:25

Ilang araw na nga ba ang lumipas?

Dalawa na, ‘di ba?

Alam ko ang eksaktong oras ng paglisan mo

Ngunit bakit hindi ako sigurado

Sa bilang ng araw sa pagitan ng noon at ngayon?

 

Marahil dahil ang kalungkutan at ang bigat na aking nararamdaman

ay pinapabagal ang takbo ng oras at mga araw.

Advertisements